Nanawagan si Terrence Jones sa pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) na patawan ng kaukulang parusa si Arwind Santos hinggil sa ginawang monkey gesture sa Game 5 ng PBA Commissioner’s Cup Finals nitong Miyerkules ng gabi.
Sa kaniyang tweet nitong Huwebes, sinabi ng TNT import na hindi katangap-tanggap ang naging aksyon ng SMB forward.
Giit ni Jones, nararapat lamang na magkaroon ng “swift, significant action” laban kay Santos at hindi dapat pinapahintulutan ng PBA ang kahit anong uri ng racism.
Ayon pa sa dating manlalaro ng Houston Rockets, maging ang kaniyang pamilya nabastos sa ipinakitang monkey gesture ni Santos sa camera.
I teach my son to be proud of who he is and to be respectful of all. This wasn’t a case of “mind games” in an athletic competition – it was racism.” sambit ni Jones.
Samantala, maaring kinundena ng pamunuan ng TNT ang nasabing insidente.
Pahayag ni TNT team manager Gabby Cui, “racism should never have a place in sports and in life. Even via ‘jokes and mind games.”.