PBA fans, maari ng makanood ng live sa Araneta Coliseum

17

Simula Disyembre 15 ay maaari ng makapanood ng live ang fans ng Philippine Basketball Association (PBA).

Ito ay matapos aprubahan ng Quezon City government ang hiling ng PBA na muling magkapaglaro sa Araneta Coliseum.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, ang mga fans na papapasukin sa venue ay dapat fully vaccinated at may dalang government ID.


Mahigpit din aniya ang ipapatupad nilang health and safety protocols sa loob ng Araneta Coliseum kasama na ang two-seat apart arrangement.

Pagtitiyak ni Marcial, ang mga laro sa Governors’ Cup, kasama na ang Leg 6 at grand finals ng 3×3 Lakas ng Tatlo ay isasagawa sa Big Dome hanggang sa katapusan ng Disyembre.

Facebook Comments