PBA | Fil-German Christian Standhardinger, dadating na sa bansa ngayon linggo para sa dumalo sa training camp ng San Miguel Beermen

Manila, Philippines – Inaasahan na ng San Miguel Beermen na makakasama na nila ang kanilang top pick na si Christian Standhardinger sa gagawin nilang training camp ngayon Linggo.

Nabatid kasi na maagang natapos ang kampanya ng Hong Kong Eastern matapos na matalo sa Alab Pilipinas sa semifinals ng Asean Basketball League (ABL).

Excited na din ang management ng Beermen na makasama na nila ang 6-foot-7 na si Standhardinger dahil mas maaga daw nitong makukuha ang chemistry ng laro ng kanilang koponan.


Magiging mahaba din ang gagawing preparasyon ng Beermen dahil sa unang linggo pa sila ng Mayo makakalaro matapos ang championship run nila sa Philippine Cup.

Facebook Comments