PBA | Game 1 ng finals, simula na mamayang gabi sa Big Dome

Manila, Philippines – Target pareho ng defending champion San Miguel Beermen at Magnolia Hotshots na makuha ang unang laro sa pagsisimula ng kanilang best of seven finals series ng Philippine Cup sa Big Dome mamayang ala-siyete ng gabi.

Paborito ang three-time defending champion na Beermen kontra sa Hotshots dahil na rin sa matinding starting five ng SMB.

Gaya ng inaasahan sasandal ang Beermen sa 4-time reigning MVP June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, Arwind Santos, Alex Cabagnot at Chris Ross laban sa Hotshots.


Para naman sa Magnolia…

Itatapat nila sina Ian Sangalang, Mark Barroca, Jio Jalalon, PJ Simon at Paul Lee laban sa SMB.

Facebook Comments