PBA | Game 2 sa pagitan ng Barangay Ginebra at Rain or Shine, kanselado

Manila, Philippines – Dahil sa malakas na pag-ulan kanselado na po ang game 2 sa best of five semifinal series ng PBA Commissioner’s Cup sa pagitan ng Barangay Ginebra at Rain or Shine mamayang ala-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sa official twitter account ng liga na PBA Connect, kinansela ang laro ng BGSM at Elasto Painters para matiyak ang kaligtasan ng mga fans, player at mga game official bunsod na rin ng malakas na ulan at pagbaha sa ilang lugar sa Metro Manila at mga karatig na lugar.

Sinabi pa ng PBA na gaganapin sa Huwebes, July 19 ang game 2 ng serye sa ganap na ala-7 pa rin ng gabi sa Big Dome.
Lamang ang Gin Kings, 1-0 matapos tambakan ang Elasto Painters sa game 1, 102-89 noong Linggo


Facebook Comments