PBA | Game 3 sa pagitan ng SMB at Aces, kinansela

Manila, Philippines – Dahil pa rin sa malakas na ulan at pagbaha sa ilang lugar, kinansela ng pamunuan ng Philippine Basketball Association ang game 3 sa pagitan ng defending champion San Miguel Beer at Alaska Aces sa semifinals ng PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum mamayang gabi.

Kaligtasan ng mga fans, player at game official ang dahilan kung bakit minabuti ng liga na ipostpone muna ang laro.

Lamang ang Beermen, 2-0 at isang panalo na lamang ang kailangan nila para makuha ang best of five semifinal series kontra sa Aces.


Sakaling makuha ang panalo, uusad sa finals ang Beermen na nakaahon sa 0-3 na simula sa kasalukuyang conference.

Nauna nang kinansela ng PBA ang game 2 ng Barangay Ginebra at Rain or Shine kagabi dahil din sa masamang panahon.

Facebook Comments