PBA | Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes, aminadong kulang sa practice si Calvin Abueva

Manila, Philippines – Inihayag ni Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes na wala pa din sa kondisyon ang player na si Calvin Abueva.

Ayon kay Reyes, resulta ito nang pagkakasuspindi ni Abueva sa kaniyang mother team na Alaska kaya kulang ang oras niya sa ensayo.

Dagdag pa ni Reyes, isa lamang si Calvin sa mga players na nasa Gilas pool na ginagawa ang lahat para makasama sa final line-up na maglalaro kontra Chinese-Taipei sa June 29 sa third window ng FIBA Basketball World Cup Asia Qualifiers.


Nabatid na pinatawan ng indefinite suspension ng Alaska si Abueva pero pinayagan naman itong mag-practice sa Gilas Pool.

Facebook Comments