PBA | Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes, gagawa ng adjustments sa pagkakasuspindi ni Kiefer Ravena

Manila, Philippines – Gagawa ng malaking adjustment Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes matapos na patawan ng 18 buwan suspension ng FIBA si Kiefer Ravena.

Ayon kay Reyes, isang malaking kawalan sa kanilang koponan si Ravena kaya at gagawa sila ng paraan para mapunan ang anumang pagkukulang.

Dagdag pa ni Reyes, ikinalungkot din niya ang nasabing desisyon ng FIBA at aminado siya na mahihirapan siyang mag hanap ng kasing galing ni Ravena.


Ngayong araw naman ay pag-uusapan ng board of governors kung kanila din bang ipapatupad ang ginawang sanction ng FIBA sa paglalaro ni Ravena sa PBA.

Facebook Comments