PBA | GlobalPort, nasilat ang Rain or Shine para mapuwersa ang “do or die match”

Manila, Philippines – Isinalpak ni Jonathan Grey ang kaniyang three-point shot para bitbitin ang GlobalPort sa 114-113 na panalo kontra top seed Rain or Shine kagabi sa quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup.

Mula sa 16-points na paghahabol sa third quarter, nakumpleto ng Batang Pier ang upset win para mapuwersa ang rubber match laban sa Elasto Painters.

Lamang ang Rain or Shine, 89-73, bago unti-unti ito tinapyas Global Port sa pangunguna nina import Malcolm White, Stanley Pringle at Grey.


May twice-to-beat advantage ang Rain or Shine at meron pa silang isang game para makuha ang ticket sa semis.

Samantala, pasok na sa final four ang Alaska Aces matapos talunin ang Magnolia Hotshots, 89-78.

Facebook Comments