Manila, Philippines – Handang magpahiram ng kanilang mga player ang Philippine Basketball Association (PBA) para sa gaganaping 30th Southeast Asian (SEA) games sa bansa.
Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, dapat ay maghain ng pormal na request sa kanila ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa pagbuo ng all-pro team para sa nasabing palaro.
Aniya, suportado nila ang paglahok ng bansa sa sea games na idaraos mula November 30 hanggang December 15.
Samantala, sabi ni SBP President Al Panlilio – hindi naman kailangang ang Gilas Pilipinas pa ang isabak sa SEA Games at si Yeng Guiao ang tumayong coach sa naturang koponan.
Facebook Comments