Manila, Philippines – Isa na namang record ang nais maitala ng three-time defending champion San Miguel Beermen sa Philippine cup ng PBA.
Mamayang gabi kasi hangad ng Beermen na tapusin na ang best of 7 finals series nito kontra Magnolia Hotshots na kung saan lamang ang Beermen, 3-1.
Sakaling manalo ang SMB mamayang gabi sila ang kauna-unahang koponan sa kasaysayan ng PBA na magkakampeon sa all-Filipino conference ng apat na sunod na taon sa huling tatlumput-apat na season ng liga.
Huling nagawa ito ng Crispa Redmanizers noong 1984.
Ito rin ang magiging ikawalong all Filipino title ng Beermen at ika-25 na korona sa liga.
Facebook Comments