PBA | Ilang players ng SMB at Barangay Ginebra, itinuturing na history in the making ang game 4

Manila, Philippines – Itinuturing ngayon ng ilang players ng San Miguel Beermen (SMB) at Barangay Ginebra na history in the making ang mangyayaring game 4 sa finals ng PBA Commissioners Cup mamayang alas-7:00 ng gabi sa The Big Dome.

Nabatid kasi na 34 points na lamang ang kailangan ni Ginebra player Mark Caguiao para maging 15th member ng elite 10,000 point club na pangalawa kay James Yap na aktibong manlalaro.

14 points na lang din ang kailangan ni Beermen star June Mar Fajardo para makuha ang 5,000-point club.


Nasa 15 steals na lamang ang kulang para kay SMB guard Alex Cabagnot para makapasok sa top 10 list.

At kung makuha ang record ay iya ang kauna-unahang manlalaro sa kasaysayan ng PBA na naging top 10 sa assists, steals at mayroong 800 three pointers.

Facebook Comments