PBA | Import ng TNT KaTropa na si Joshua Smith, sasailalim sa operasyon

Manila, Philippines – Sasailalim sa operasyon ng kaniyang ilong ang import ng TNT KaTropa na si Joshua Smith.

Hinihintay na lamang ng katropa ang Go-Signal mula sa kaniyang mga handlers na nasa Amerika dahil mahalaga daw na ipaalam muna at sumang-ayon ang mga ito bago ang operasyon.

Matatandaan na nagkaroon ng injury sa ilong si Smith matapos mabagsakan ng siko ng import ng Meralco na si Arinze Onuaku sa naging panalo ng KaTropa laban sa Bolts noong June 22 sa score na 91-85.


Dahil dito, magsusuot muna ng protective mask ang dambuhalang import ng KaTropa sa kanilang magiging laro kontra Rain or Shine Elasto Painters sa July 7.

Facebook Comments