PBA, inilabas na ang listahan ng mga manlalarong sasabak sa rookie draft.

Inilabas na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang listahan ng qualified applicants para sa rookie draft.

Pasok sa listahan ang mga manlalaro ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) na sina Calvin Oftana ng San Beda, Larry Muyang ng Letran, RK Ilagan ng San Sebastian, at Ben Adamos ng Perpetual Help.

Gayundin sina Jerrick Ahanmisi, Anton Asistio, Andrei Caracut, Jamie Malonzo, Aljun Melecio, Jerie Pingoy, Leonard Santilan, Jun Manzo, at Troy Rike.


Kasama rin sa listahan sina Jaydee Tungcab, Tzaddy Rangel, Will Navarro, at Andre Paras.

Ang rookie draft ay isasagawa sa pamamagitan ng virtual sa March 14 at maaaring mapanood sa PBA page.

Facebook Comments