PBA | Jeff Chan rumesbak sa dating koponan; Barangay Ginebra angat sa Rain or Shine

Manila, Philippines – Sumiklab si Jeff Chan sa fourth quarter para pangunahan ang Barangay Ginebra sa pagtambak sa Rain or Shine, 102-89 sa pagsisimula ng kanilang semifinal showdown ng PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Umiskor ng 10 points si Chan sa payoff period para makaresbak sa dating koponan na ipinagpalit siya sa Gin Kings.

Nagtapos si Chan na may 21 points habang may game-high na 35 markers naman si Justin Brownlee para sa Barangay Ginebra.


May 30 puntos naman si Reggie Johnson para sa Elasto Painters.

Samantala, target naman ng defending champion San Miguel Beer ang 2-0 na lamang kontra Alaska Aces sa Game 2 ng kanilang best of five semifinal series mamayang ala-siyete ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Facebook Comments