PBA | Kia Picanto, nagpalit ng kanilang pangalan sa nalalapit na PBA Commissioners Cup

Manila, Philippines – Aarangkada na sa susunod na conference ng PBA ang bagong pangalan ng Kia na “Columbian Dyip”.

Mula sa Sorento, Carnival, Enforcer at Floodbuster, makikilala na ang Columbian Dyip kung saan una itong sasabak sa PBA commissioners cup sa April 22 kontra Blackwater Elite.

Sa pagbago ng pangalan, umaasang mag-iiba na rin ang kapalaran ng dyip, na may isang panalo lamang sa huling 23 laro sa nakaraang dalawang conference.


Ito na ang ika-6 na beses na nagpalit ng pangalan koponan sa higit 4 na season nito sa liga.

Facebook Comments