PBA | LA Tenorio tinanghal na Player of the Week

Manila, Philippines – Dahil sa magandang laro at lideratong ipinakita nito na siyang dahilan kung bakit nanalasa ang Barangay Ginebra sa mga huling laro nito, tinanghal na Player of the Week ang point guard na si LA Tenorio.

Kilala bilang Tinyente, may average na 14 points, 6.5 assists, 4 rebounds at 4 steals si Tenorio para dalhin ang Gin Kings sa dalawang panalo noong nakaraang linggo.

Umiskor ng 16 points, 10 assists at 3 rebounds si Tenorio nang tambakan ng Barangay Ginebra ang Columbian Dyip, 133-104.


May dose puntos, 5 rebounds at five steals naman ang point guard sa 105-86 na panalo ng Gin Kings kontra Alaska Aces.

Facebook Comments