PBA | Leo Isaac, pinalitan na bilang head coach ng Blackwater Elite

Manila, Philippines – Tinanggal na bilang head coach ng Blackwater Elite si Leo Isaac.

Ito ay dahil sa hindi magandang performance ng Blackwater sa simula pa lamang ng PBA Commissioners Cup kung saan tatlong sunod na talo ang kanilang nakuha sa loob lamang ng isang linggo.

Papalit sa pwesto ni Isaac ang dati nitong deputy na si Coach Bong Ramos na kagagaling lang sa Thailand.


Nabatid na sa ilalim ng pagiging coach ni Isaac sa Elite, nakapagtala siya ng 29-88 win/loss record sa loob ng apat na taon at isang beses lamang nakapasok sa playoffs.

Facebook Comments