PBA | Luzon All Stars, haharapin ang Smart 5 sa pagpapatuloy ng 2018 All Star Festivities sa Batangas City

Batangas – Susubukan mamaya ng Luzon All-stars ang kalidad ng Smart 5 mamayang alas siyete ng gabi sa pagpapatuloy ng 2018 PBA All Star Festivities sa Batangas City Coliseum.

Aasahang sasandal si Coach Leo Austria kina San Miguel Beermen Arwind Santos, Marcio Lassiter at Alex Cabagnot; LA Tenorio ng Barangay Ginebra; Ian Sangalang at Paul Lee ng Magnolia; Stanley Pringle ng Global Port at Rain or Shine center Raymond Almazan.

Sasamahan pa sila nina Japeth Aguilar, Jayson Castro, Calvin Abueva at Matthew Wright.


Babanggain naman sila ng mga national team mainstay na sina June Mar Fajardo, Carl Bryan Cruz, Troy Rosario, Mac Belo, RR Pogoy, Allein Malicsi, Terrence Romeo, Gabe Norwood, Jio Jalalon at Kiefer Ravena.

Si Coach Yeng Guiao ang titimon sa Smart 5 na nais makabawi matapos matalo, 144-130 sa Mindanao All Stars noong Miyerkules.

Facebook Comments