PBA | Magnolia Hotshots, nakuha ang ikalimang panalo kontra Blackwater Elite

PBA – Nakuha ng Magnolia Hotshots ang kanilang ikalimang panalo ng talunin ang Blackwater Elite sa score na 78-72.

Nanguna sa Hotshot si Mark Barroca na may 14 puntos.

Dahil sa panalo ay mayroong 6-1 win-loss record ang Magnolia habang mayroong dalawang panalo at limang talo naman ang Blackwater.


Samantala, pinahiya naman ng Rain or Shine Elasto Painters ang Meralco Bolts sa score na 90-84.

Bumida sa painters si Chris Tiu na nakapagtala ng 18 points habang mayroong 16 points si Ed Daquioag at may 13 points at 13 rebounds si Beau Belga.

Mayroon ng apat na panalo at tatlong talo ang Painters habang mayroong dalawang panalo at limang talo ang Bolts.

Facebook Comments