PBA | Magnolia Hotshots, panalo kontra Phoenix Fuel Masters

Manila, Philippines – Inilampaso ng Magnolia Hotshots ang Phoenix Fuel Masters sa iskor na 97-91 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

Bumida ang 20 puntos ni Paul Lee habang nag-ambag ng 17 puntos si Rome Dela Rosa.

Si Ian Sangalang ay nakapagtala ng 16 na puntos habang si Mark Barroca ay may 12 puntos.


Nagawang makahabol ang Hotshots sa 4th quarter at naitabla ito sa 80-all sa natitirang anim na minuto ng laro.

Matagumpay na naungusan ng Hotshots ang Phoenix dahil sa 4-0 swing nina Sangalang at Lee.

Facebook Comments