PBA | Magnolia Hotshots, San Miguel Beermen target ang mga panalo kontra Blackwater, Columbian Dyip

Manila, Philippines – Target ng Magnolia Hotshots na maitala ang ikaapat nilang panalo kontra sa inaalat na Blackwater Elite sa pagpapatuloy ng Commissioner’s Cup sa PBA.

Nasa ikalimang puwesto ngayon ang Hotshots sa kartadang 3-2 at kung mananalo sila kontra Elite ay mananatili silang may magandang puwesto pagpasok sa quarterfinals.

Survival mode naman ang Blackwater dahil hindi pa nakakatikim ng panalo ang Elite sa pitong laro at nanganganib na sila ang unang koponan na masisibak sa elimination round.


Samantala, pagsisikapan naman ng San Miguel Beer na makuha ang kanilang ikatlong sunod na panalo laban sa Columbian Dyip sa second game ng double header.

Facebook Comments