PBA | Magnolia Hotshots, tinambakan ang NLEX Road Warriors; Phoenix Fuel Masters, tinalo ang Columbian Dyip

Manila, Philippines – Hindi pinaporma ng Magnolia Hotshots ang NLEX Road Warriors matapos nila itong tambakan sa score na 102-72 sa nagpapatuloy na PBA Governor’s Cup.

Nanguna sa panalo ng Magnolia ang kanilang import na si Romeo Travis na may 21-points at 13-rebounds.

Kapwa nag-ambag naman sa hotshots ng tig-20 points sina Marc Barroca at PJ Simon.


Tinalo naman ng Phoenix ang Columbian Dyip sa score na 113-107 kung saan naging bida sa panalo ang import ng fuels masters na si Eugen Phelps na may 50-points at 17-rebounds.

Facebook Comments