PBA | Magnolia Hotshots, wagi kontra NLEX Road Warriors; 87-78

Manila, Philippines – Isang panalo na lang ang kailangan ng Magnolia
Hotshots para makapasok sa finals ng PBA Philippine Cup matapos talunin ang
NLEX Road Warriors.

Tinalo ng Hotshots ang NLEX sa score na 87-78 kaya at abante na sila sa
serye 3-2.

Bumida sa panalo si Aldrech Ramos na may 15-points at 9-rebounds kung saan
hindi daw sila magpapakampante sa game 6 dahil siguradong babawi daw ang
Road Warriors.


Kung sakaling manalo sa serye na mapapanood bukas, makakaharap nila ang San
Miguel Beermen na unang tinalo ang Barangay Ginebra kaya at muling
nakapasok sa finals ng Philippine cup sa ika-apat na sunod na pagkakataon.

Facebook Comments