PBA | Magnolia Hotshots, wagi kontra San Miguel Beermen

Manila, Philippines – Pinatumba ng Magnolia Hotshots sa dikitang laban nito kontra San Miguel Beermen sa iskor na 101-97 sa huling elimination round game ng 2018 PBA Commissioner’s Cup.

Bumida ang 21 points at 14 rebounds ni Wayne Chism at nagdagdag naman ng 14 point at 13 rebounds si Ian Sangalang.

Hindi pa pwedeng magdiwang ang Hotshots dahil nasa ikapitong pwesto sila sa standings habang nasa ika-anim ang beermen kahit kapwa sila mayroong 6-5 record.


Dahil dito, kinakailangang matalo ng Hotshots ang Alaska Aces sa kanilang play-off match up.

Facebook Comments