Nasungkit ng Magnolia Hotshots ang kampeonato sa 2018 PBA Governor’s Cup.
Ito ay matapos nilang tambakan sa game-6 ang Alaska Aces sa score na 102-86.
Naging bida sa panalo si Romeo Travis na may 32-points at 16-rebounds pero naging finals MVP si Mark Barroca na nakakuha ng 13-points, 5-rebounds at 4-assists.
Todo pasalamat naman si Hotshots coach Chito Victolero dahil matapos ang dalawang taon ay nakakuha din siya ng kampeonato sa PBA bilang isang headcoach.
Nanghihinayang naman si Aces coach Alex Compton dahil limang beses na silang nakakapasok sa finals sa PBA pero hindi pa din sila nakakakuha ng kampeonato.
Facebook Comments