PBA | Meralco Bolts, panalo via overtime game kontra Phoenix Fuel Masters

Manila, Philippines – Panalo via overtime game ang Meralco Bolts kontra Phoenix Fuel Masters sa nagpapatuloy na 2018 PBA Commissioners Cup.

Tinalo ng Bolts ang Phoenix sa score na 103-100 kung saan nanguna sa panalo ng Meralco sina KG Canaleta na may 30-points at import nila na si Arinze Onuaku na nakapagtala ng 12-points , 20-rebounds at 10-assists.

Samantala, napanatili pa rin ng Rain or Shine Elasto Painters ang unang puwesto matapos talunin ang Blackwater Elite sa score na 104-94.


Naging bida sa panalo si Raymond Almazan na mayroong 26-points at 12-rebounds. Dahil sa panalo, mayroon ng 7-1 win/loss record ang Rain or Shine na sigurado nang pasok sa quarterfinals habang ang Blackwater ay mayroong isang panalo at walong talo.

Facebook Comments