Manila, Philippines – Tinuldukan ngayon ng Meralco Bolts ang pitong sunod na panalo ng Alaska Aces sa 2018 PBA Commissioners Cup.
Tinalo ng Bolts ang Aces sa score na 89-74 kung saan nagin bida sa panalo si Chirs Newsome na mayroon 18-points habang tig-17 points naman sina Jared Dillinger at Baser Amer.
Ayon kay Meralco Coach Norman Black, kanilang hinigpitan ang depensa sa ilang key players ng Alaska tulad ni Vic Manuel lalo na at alam nila na hindi pa rin paglalaruin ng Aces ang isa nilang star player na si Calvin Abueva.
Dahil sa panalo, kapwa na sa unang puwesto ang Bolts at Aces na mayroong tig-pitong panalo at 2 talo.
Facebook Comments