PBA | Meralco Bolts, tinalo ang Columbian Dyip

PBA – Hindi pina-porma ng Meralco Bolts Ang Columbian Dyip sa naging laban nila kahapon sa PBA Commissioners cup.

Tinalo ng Bolts ang Dyip sa score na 116-103 kung saan nanguna sa panalo ng Meralco ang kanilang import na si Arinze Onuako na may 30 points at 19 rebounds.

Nag-ambag naman para sa Bolts sina KG Canaleta ng 12-points at 18 points naman kay Chris Newsome.


Humanga si Meralco Head Coach Norman Black sa performance ng kanilang import dahil nagawa nitong i-angat at makuha ang panalo ng koponan kahit lamang pa ang kanilang kalaban sa first half ng laro.

Facebook Comments