PBA | Meralco Bolts, tinalo ang Phoenix Fuel Masters; 108-103

26

Manila, Philippines – Hindi pinaporma ng Meralco Bolts ang Phoenix Fuelmaster matapos nilang itong talunin sa quarterfinal round ng PBA Governor Cup.

Hinabol pa ng Bolts ang may 16 points na lamang ng Phoenix sa regulations hanggang makontrol nila ang laro pagdating ng overtime kaya at nanalo sila sa score na 108-103.

Bumida sa panalo ng Bolts si Allen Durham na may 32-points at 21-rebounds habang mayroong 26-points si Baser Amer.

Itinuturing naman ni Meralco Bolts coach Norman Black na tila isang pag-akyat sa bundok ang nasabing panalo dahil hindi nila inasahan ang matinding pressure ng kanilang naranasan kontra Phoenix pero masaya ito sa naging resulta ng laban

Dahil sa panalo ay makakalaban ng Bolts ang Alaska Aces sa best of five semifinals series sa darating na linggo.

Facebook Comments