PBA | Meralco – nabuhayan ng loob na makapasok sa playoffs

Manila, Philippines – Malaki ang pag-asa ng Meralco sa playoffs ng 2018 PBA Governors’ Cup.

Ito ay matapos nilang talunin ang Magnolia sa score na 94-88 na ginanap sa Ynares Center kahapon.

Ayon kay Meraclo Bolts Head Coach Norman Black – nagbigay ng lakas at confidence sa buong team ang kanilang ikalawang panalo.


Umakyat na rin ang standing ng meralco sa ika-siyam na puwesto na may kartadang 3-6.

Mamaya, susunod na makakaharap ng Meralco ang Rain or Shine na nasa ika-sampung puwesto na at may record na 2-5.
Samantala… update sa *2018 radyoman manila basketball bonding tournament –*

Ipinalasap ng DWWW/iFM sa Lunas Kalusugan ang una nitong talo sa iskor na 81-77.

Habang bigo pa rin ang DZXL na masungkit ang kanilang unang panalo sa liga matapos silang talunin ng gentlehands sa dikdikang labanan sa Pembo Court sa Makati sa iskor na 45-35.

Tabla ngayon sa unang spot ang Lunas Kalusugan at Gentle Hands sa standing na 3wins and 1 loss record, nasa-ikalawang pwesto naman ang DWWW/iFM na may 2w-2l record at DZXL na may 0w-4l record.

Facebook Comments