PBA | Mga import sa Governor’s Cup ng PBA, kumpleto na!

Manila, Philippines – Ang NBA veteran na si Mike Harris ang magiging reinforcement ng Alaska Aces sa pagbubukas ng Governor’s Cup ng PBA sa darating na Biyernes, Agosto 17 sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Si Harris ay limang taon naglaro sa National Basketball Association kung saan napasama siya sa line-up ng Houston Rockets, Washington Wizards at Utah Jazz.

Dahil ditto, kumpleto na ang mga import na maglalaro sa season-ending conference ng liga.


Bukod kay Harris, sina Rashad Woods ng North Port at Akeem Wright ng Columbian Dyip ang mga bagong salta sa liga.

Makakaharap nila ang mga beterano at dating Best Import Awardee na sina Allen Durnham ng Meralco, Justine Brownlee ng Barangay Ginebra, at Arizona Reid ng San Miguel Beer.

Facebook Comments