PBA | Mind games ginagawa umano ni San Miguel Beer Forward Arwind Santos kontra Barangay Ginebra

69

PBA – Kasama sa laro! Hindi dapat umano magpaapekto ang Barangay Ginebra sa mga pahayag ni San Miguel Beer forward Arwind Santos matapos manalo ang Gin Kings noong Martes. Sinabi kasi ni Santos “lima ang kalaban nila na naging walo” matapos matalo ang Beermen sa Game 3, 95-87 para tapyasin ang laman ng SMB sa 2-1 sa best of seven semifinals. Ayon sa mga sports analyst, posibleng mind games ang ginagawa ni Santos para mawala sa diskarte ang Gin Kings. Mind games man o hindi, masakit naman sa wallet ang naging resulta ng pahayag ni Santos. Pinagmulta kasi siya ni PBA Commissioner Willy Marcial ng P20,000 dahil sa kaniyang sinabi.

Facebook Comments