PBA | NLEX Player Kenneth Ighalo, masaya sa muling pag-usbong ng karera

PBA – Masaya ang Nigerian-Filipino basketball player na si Kenneth Ighalo sa muling pag-usbong ng karera niya sa Philippine Basketball Association.

Ayon kay Ighalo, malaki ang pasasalamat niya kay Coach Yeng Guiao dahil sa pagkakataong ibinigay nito para makapaglaro siya sa NLEX Road Warriors.

Tiniyak ng 29-year old PBA Player na pagbubutihin niya ang paglalaro para makapag-ambag nang malaki sa kanyang team.


Si Ighalo ay dating manlalaro ng University of Baguio bago nabigyan ng pagkakataong ipakita ang galing sa PBA.

Facebook Comments