PBA | NLEX Road Warriors, naitabla sa 2-2 ang best of seven semifinals kontra Magnolia

PBA – Naitabla ng NLEX Road Warriors sa 2-2 ang Best of Seven Semifinals
nila kontra Magnolia sa score na 91-79.

Nanguna sa Warriors ang rookie na si Kiefer Ravena na nagtala ng 20, limang
assists, tatlong rebounds at isang steals.

Nagdagdag naman ng 14 points si Jr Quinahan, 13 points kay Kevin Alas at 10
points si Larry Fonacier.


Itinuturing naman ni NLEX Coach Yeng Guiao na sinuwerte lamang sila sa laro
dahil pumapasok lahat ang kanilang mga tira.

Samantala, determinado ang San Miguel Beermen (SMB) na tuluyan nang wakasan
ang laban nila ng Barangay Ginebra sa game 5 ng kanilang semi-finals
mamayang alas 6:30 ng gabi.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments