Manila, Philippines – Isang come from behind win ang ipinamalas ng NLEX Road Warriors kontra Blackwater Elite sa nagpapatuloy na 2018 PBA commissioners cup.
Tinalo ng NLEX ang Blackwater sa score na 93-89 kung saan bumida sa panalo ang import nilang si Arnett Moultrie na may 26-points habang 10-points at 10-assists naman ang nai-ambag si Juami Tiongson.
Hawak ng Blackwater ang kalamangan sa last quarter hanggang mahabol ito ng NLEX sa pamamagitan ng 13-0 run at tuluyang maselyuhan ang panalo.
Ikinatuwa naman ni NLEX Coach Yeng Guiao ang naging performance ng kaniyang mga manlalaro dahil nagawa nilang manalo kahit na wala ang isa nilang star player na si Keifer Ravena na sinuspindi ng FIBA dahil sa paggamit nito ng sports drink na mayroong banned substance na nasa listahan ng World Anti-Doping Agency (WADA).