PBA officials, makikipagpulong sa Malakanyang para sa opening ng season 46th

93

Makikipagpulong bukas, April 28 ang mga opisyal ng Philippine Basketball Association sa Malakanyang para sa pagbubukas ng PBA season 46th sa Hunyo.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, pag-usapan nila ang mga pwedeng maging opsyon sa pagbubukas ng susunod na season.

Kabilang dito ang pagkakaroon ng “closed circuit” games na gagawin sa Ynares Center sa Antipolo o ang full bubble setup gaya ng ginawa nila sa Clark, Pampanga noong huling season.


Matatandaang magsisimula na dapat ang PBA All-Filipino Conference nitong April 18 pero sinuspende ito matapos ipatupad ang Enhanced Community Quarantine sa NCR Plus areas.

Facebook Comments