PBA | Phoenix Fuel Master, panalo kontra Magnolia; 95-82

Manila, Philippines – Nakuha ng Phoenix Fuel Master ang kanilang pangatlong sunod na panalo laban sa Magnolia sa score na 95-82 sa PBA Governors’ Cup.

Bumida sa Phoenix si Eugene Phelps na mayroong 36 points, 20 rebounds at apat na blocks.

Nag-ambag naman ng 13 points, limang rebounds at apat na assists si Matthew Wright habang mayroong 12 points, walong rebounds at tatlong blocks si Justin Chua.


Dahil sa panalo ay mayroon ng limang panalo at isang talo ang Phoenix habang mayroong dalawang panalo at isang talo naman ang Magnolia.

Facebook Comments