Manila, Philippines – Hindi pinaporma ng Phoenix Fuel Masters ang GlobalPort Batang Pier sa kanilang naging laban kagabi sa PBA Commissioners Cup.
Tinambakan ng Phoenix ang Batang Pier sa score na 135-108.
Nanguna sa panalo ng Fuel Masters si Eugene Phelps na may 37 points, 23 rebounds at 10 assists habang nag-ambag naman ng 24 points si Matthew Wright.
Sa isang interview, sinabi ni Wright na dapat daw pagtuunan ng pansin ng mga referee ang mga maduduming laro ng import ng Batang Pier na si Malcom White dahil nakakasira ito sa imahe ng PBA.
Sa ngayon, mayroon ng 4-6 win/loss record ang Phoenix habang ang GlobalPort ay mayroong apat na panalo at limang talo.
Facebook Comments