PBA | Phoenix Fuel Masters, tinalo ang TNT Katropa

PBA – Nalusutan ng phoenix fuel masters ang TNT Katropa sa naging laban nila kahapon sa PBA Philippine Cup.

Nanalo ang Fuel Masters sa score na 74-72 kung saan naging bida sa Phoenix si Matthew Wright na may 16-points habang mayroong 11-points si Jeff Chan.

Nagmistulang bayani naman si Doug Kramer ng maipasok ang game-winning floater mula sa pasa ni Wright sa may natitirang tatlong-segundong sa last quarter.


Samantala, itinakbo sa Makati Medical Center si TNT Player Troy Rosario matapos ang matinding pagbagsak nito sa last quarter ng nasabing laro.

Naganap ang insidente ng aktong mag-lay-up si Rosario pero biglang sumulpot si Phoenix rookie Jason Perkins.

Sumabit kasi si Perkins sa paa ni Kelly Williams ng TNT kaya’t nasagi si Rosario habang pababa at tumama ang baba nito sa sahig ng court.

Facebook Comments