PBA | Phoenix, tinalo ang Blackwater Elite; 97-91

Manila, Philippines – Hindi pinaporma ng Phoenix Fuels Masters ang Blackwater Elite sa kanilang huling game sa elimination round ng PBA Governor’s Cup.

Tinalo ng Fuel Master ang Elite sa score na 97-91 kung saan nanguna sa panalo Calvina Abueva na may 25-ponits at Matthew Wright na may 23-points.

Aminado sina Calvin at Matthew na kailangan nilang makuha ang panalo lalo na at ito ang unang beses na papasok sila sa quarterfinals hawak ang twice to beat advantage.


Nabatid na nasa top 2 spot sa team standing ang Phoenix na may 8-3 win/loss record kasunod ng number one na Barangay Ginebra (9-2) na nanalo din kontra TNT KaTropa sa score na 112-93.

Facebook Comments