PBA | Phoenix, tinambakan ang NorthPort; 132-91

Manila, Philippines – Nasungkit ng Phoenix ang kanilang ikalawang panalo matapos tambakan ang NorthPort sa score na 132-91 sa 2018 PBA Governor’s Cup.

Nanguna sa Fuelmaster si Eugene Phelps na nakapagtala ng 30-points, 15 rebounds at apat na black.

Nagdagdag rin ang rookie player ng phoenix na si Jason Perkins na mayroong 18 points at apat na rebounds.


Mayroon namang 15 points, apat na assist at tatlong rebounds si RJ Jazul at 12 points at anim na rebounds naman ang naitala ni Calvin Abueva.

Samantala, panalo rin ang Alaska Aces kontra TNT sa score na 125-96.

Bumida sa Aces si Simo Enciso na mayroong 30 points habang nag-ambag ng 18 points, 8 rebounds at dalawang steal si Vic Manuel.

Nakapagtala naman ng 16 points at 24 rebounds si Mike Harris at mayroong 15 points, 14 assists at anim na rebounds si Chris Banchero.

Facebook Comments