PBA – Umapela ang Games and Amusement Board (GAB) sa Philippine Basketball Association (PBA) na maging balanse ito sa paparating na rookie draft.
Kasunod ito ng umano’y mga reklamo tungkol sa kasunduan ng San Miguel Beer at Kia Picanto.
Kamakailan kasi, naging maugong ang trade sa pagitan ng dalawang team kung saan makukuha ng SMB ang top pick sa PBA rookie draft ngayong taon.
Hawak kasi ng Picanto ang rights sa no.1 overall pick sa rookie draft.
Kapalit nito, mapupunta naman sa Kia ilang manlalaro ng Beermen gaya nina ronald Tubid, Yancy De Ocampo, Rashawn Mccarthy at maging ang first round pick ng koponan.
Ayon kay GAB Chair Abraham Mitra – dapat na maging balanse ang rookie draft dahil malaking tulong ito para mag-promote ng competitiveness sa liga at hindi madismaya ang PBA fans.
Umaasa rin ang GAB na mabibigyan ang mga koponan na may mababang winning records ng tiyansang maging pantay sa ibang malalakas na team.