PBA, planong bumuo ng basketball team na siyang maglalaro sa mga kompetisyon sa labas ng bansa

Manila, Philippines – Plano ngayon ng pamunuan ng PBA na bumuo ng basketball team na siyang maglalaro sa mga kompetisyon sa labas ng bansa.

Hangad ng PBA na magbuo ng line-up na para lamang a national team kung saan sasabak lamang sila sa mga torneyo kagaya ng FIBA Basketball World Cup Qualifers, FIBA Asian Cup at Southeast Asian Games.

Nais din ng PBA na mag-“reinvent” sa pagbuo ng national team dahil sa bagong new qualification system para sa FIBA World Cup.


Magbubuo din sila ng cadets squad na lalahok din sa mga international events na aabot hanggang 2023 FIBA World Cup kung saan may slot na ang bansa bilang host.

Matatandaang ganito rin ang set-up sa unang Gilas Pilipinas kung saan maglalaro lamang ang mga players para sa national squad sa loob ng ilang taon.

Facebook Comments