PBA, planong magkaroon ng exhibition games laban sa China

30

Isinusulong ng Philippine Basketball Association (PBA) ang magkasa ng exhibition series sa pagitan ng Asian powerhouse China at piling PBA players para sa pagbubukas ng 46th season.

Ayon kay PBA Chairperson Ricky Vargas, pangarap niyang magkaroon ng best-of-seven series sa pagitan ng China at ng PBA Warriors kung saan si Yeng Guiao ang posibleng maging coach.


Pero siyempre aniya kailangang bakunado na laban sa COVID-19 ang lahat ng manlalaro bago simulan ang exhibition games.

Nagpapasalamat din si Vargas sa mga PBA governors na sumusuporta sa liga at maging sa mga fans.

Facebook Comments