PBA | Rain or Shine Big Man Raymond Almazan, hindi makapag-concentrate matapos ang balitang ite-trade ito sa ibang koponan

Manila, Philippines – Hindi makapag-concentrate ang big man ng Rain or Shine Elasto Painters na si Raymond Almazan matapos umugong ang balitang ite-trade ito.

Ayon kay Almazan, ilang araw na siyang nagtataka kung bakit lumalabas ang nasabing balita kung saan aniya ay binigyan naman siya ng assurance ni Rain or Shine Coach Caloy Garcia na mananatili ito sa koponan.

Sinabi pa ng dating Gilas player na handa naman siyang sumunod kung sakaling ilipat ng team pero nanghihinayang daw siya lalo na at matagal na siyang nananatili sa Rain or Shine matapos siyang kunin bilang third overall pick noong 2013 rookie draft ng PBA.


Matatandaan na unang nang ipinamigay ng Elasto Painters sina Jericho Cruz at Don Trollano kapalit nina Sidney Onwubere, Kris Rosales, Norbert Torres at 2018 first round pick.

Facebook Comments