PBA | San Miguel Beermen Arwind Santos at Renaldo Balkman, nagkaayos na

Manila, Philippines – Pumayag ngayon si San Miguel Beermen Arwind Santos sa alok ng dati nilang import na si Renaldo Balkman na muli silang magkita.

Ayon kay Santos, sa susunod na linggo na siya makikipagkita kay Balkman dahil busy siya ngayon sa schedule ng laro ng kaniyang team kung saan muli niyang iginiit na inimbitahan lamang siya nito para sa isang dinner.

Sinabi ni Arwind na kanila na din kinalimutan ang nangyaring pananakal sa kaniya ni Balkman nooong March 8, 2013 kaya’t na-ban ng habang buhay ang import at pinagmulta pa ng P250,000.


Plano din ni Arwind na isama ang ilang miyembro ng pamilya na naging kaibigan din ni Balkman.

Facebook Comments