PBA | San Miguel Beermen at Barangay Ginebra, all set na sa game 1

Manila, Philippines – San Miguel Beermen at Barangay Ginebra, all set na sa game 1 ng PBA Commissioners Cup Finals mamayang gabi.

All set na mamayang alas-7:00 ng gabi ang game 1 ng finals ng PBA Commissioners sa pagitan ng San Miguel Beermen at Barangay Ginebra na mapapanood sa The Big Dome.

Umaasa si Beermen Coach Leo Austria na magiging epektibo na ang bago nilang hugot na si Christian Standhardinger na naging malamyang performance nito noong semifinals.


Habang si Gin Kings Coach Tim Cone ay sasandal sa Big Man nitong si Greg Slaugther para madepensahan niya ng husto si 4-time PBA MVP June Mar Fajardo.

Business as usual naman na itinuturing ng mga import ng dalawang team na sina Renaldo Balkman at Justine Brownlee ang paghaharap nila sa finals kung saan manalo-matalo, mananatili pa din daw silang magkaibgian on-and-off the court.

Facebook Comments