Manila, Philippines – Umabante ang San Miguel Beermen sa 3-1 kontra Magnolia Hotshots sa best of seven championship series.
Sa iskor na 84-80, bumida sa Beermen si Alex Cabagnot na nakapagtala ng 27 points.
Ayon kay Beermen Coach Leo Australia, nagawan nila ng paraan para tuluyang mapigilan ang Magnolia sa kanilang patuloy na pag-score sa kabila ng magandang depensa ng kalaban.
Samantala, muli na namang nailista ang pangalan ni Jun Mar Fajardo sa aklat ng kasaysayan ng liga matapos igawad sa 6-foot-10 star center ang kanyang record na ikaanim na best player of the conference trophy.
Nagposte ang four-time PBA most valuable player ng average na 44.2 per game para ihatid ang Beermen sa finals laban sa Hotshots.
Facebook Comments