PBA | San Miguel Beermen, wagi sa game 1 ng best of seven semifinals series kontra Barangay Ginebra; 102-90

Manila, Philippines – Nasungkit ng San Miguel Beermen ang kanilang unang panalo sa best of seven semifinals game kontra Barangay Ginebra sa score na 102-90.

Bumida sa Beermen si Arwind Santos na may 23 points habang mayroong 17 points si Marcio Lassiter at siyam na puntos kay June Mar Fajardo.

Mula unang quarter ay mabilis na nakuha ng Beermen ang kalamangan.


Ayon kay Beermen Coach Leo Austria, sinamantala nila ang kawalan ni Greg Slaughter na natamo ng injury.

Facebook Comments